Nakiisa ang Polytechnic College of the City of Meycauayan sa pamumuno ng OIC at Dekana, Dr. Reneliza C. Sta Ana sa BAMBOO TREE PLANTING ACTIVITY 2023 noong ika 24 ng Agosto na ginanap sa Mc Arthur Hiway, Meycauayan.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng ating butihing Ama ng Lungsod ng Meycauayan, Igg. Atty. Henry R. Villarica, at ng ating Pangalawang Punong Lungsod na si Igg. Josefina O. Violago. Ito ay programa ng Pamahalaang Lungsod sa pamumuno ni Engr. Ricardo L. Sta. Ana ng City Environment & Natural Resources Office, sa partisipasyon ng PCCM Community and Extension Office at ng OAP – Guided Office Administration League of Students (GOALS).

Nakiisa ang… – Guided Office Administration League of Students | Facebook